^

Police Metro

Paanakan sa Mandaluyong City ginawang quarantine facility

Mer Layson - Pang-masa
Paanakan sa Mandaluyong City ginawang quarantine facility
Ito ang inihayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, nang buksan nila ang Mandaluyong Medical Center annex para sa mga COVID-19 patients dahil sa kawalan ng espasyo sa ospital at ang lugar na paanakan ay inilipat sa ibang bahagi ng gusali.
STAR/Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Dahil sa nagsisiksikan na ang mga ospital sa mga tao na persons under investigation (PUIs), persons under monito­ring (PUMs) at maging mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay naisipan ng Mandalu­yong government na ga­wing quarantine facility ang kanilang paanakan o lying-in clinic.

Ito ang inihayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, nang buksan nila ang Mandaluyong Medical Center annex para sa mga COVID-19 patients dahil sa kawalan ng espasyo sa ospital at ang lugar na paanakan ay inilipat sa ibang bahagi ng gusali.

Aniya, nais nilang mas matutukan ng pansin ang mga PUIs at PUMs para sa agarang pagga­ling ng mga ito.

Tiniyak ng alkalde na nabibigyan ng masustansiyang pagkain ang mga PUIs at PUMs para masigurong malusog ang kanilang pangangatawan sa buong panahon ng kanilang quarantine upang mabilis ang paggaling.

Nabatid na hanggang nitong Marso 23, mayroon nang kabuuang 14 na positibong COVID-19 cases ang Mandaluyong Cit at nasa mahigit 400 ang kanilang PUIs at PUMs na bunga umano ng pinaigting na contact tracing ng mga city health officials at Department of Health (DOH) sa mga taong nakasalamuha ng mga taong nagpositibo sa COVID-19.

COVID-19

PUIS

PUMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with