P20 bayad sa puri adik na gumahasa sa 11-anyos utas sa barilan
MANILA, Philippines — Patay ang isang drug addict na pinaghihinalaang gumahasa sa isang menor-de-edad na may kapansanan matapos itong manlaban sa arresting team ng pulisya sa barilan sa Brgy. Isabang, Lucena City nitong Biyernes ng gabi.
Sa ulat ni Quezon Provincial Police Office (PPO) Director Police Col. Audie Madrideo, kinilala ang napatay na suspek na si Michael Zafranco alyas Zailo, 24 anyos.
Bandang alas-9:30 ng gabi, ayon kay Madrideo, nang mangyari ang barilan sa nabanggit na lugar.
Bago ito, dakong alas-5 ng hapon nitong Biyernes, nasangkot ang suspek sa panghahalay sa isang 11-anyos na batang babae na may kapansanan matapos na matiyempuhan ng suspek habang naglalaro ang biktima sa may pampang ng ilog sa kanilang Barangay.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay sinunggaban ng suspek, pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan, hinubaran saka hinalay sa madamong bahagi sa pampang ng ilog.
Nang makaraos, upang hindi magsumbong ang biktima, ay binigyan pa ito ng suspek ng P20.00 at tinakot na papatayin kapag nagsumbong sa kaniyang mga magulang.
Narekober naman sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang cal 38 revolver na may apat na bala, dalawang cartridge ng nasabing armas at tatlo ring cartridge ng cal 9 MM.
- Latest