^

Police Metro

Aleman nagwala sa presinto, nanakit ng mga pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Deutsch/German na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip ang nagwala sa loob ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) at nanakit ng mga pulis doon kamakalawa.

Kinilala ang banyagang si Peter Batram, pansa­mantalang nanunuluyan sa Space Taft Condominium sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Si Batram ay una nang inaresto ng MPD-Station 5 at nai-turnover sa MPD-GAIS kaugnay sa rekla­mong paglabag sa Article 308 (Theft) ng Revised Penal Code nang kunin at itak­bo nito ang cellphone ng isang Czaravich Manaois, 18-anyos, estudyante ng Emilio Aguinaldo College at okupante rin ng nasabing condo, noong Peb. 19, 2020 alas-4:30 ng madaling araw sa lobby ng condo.

Kinaumagahan nang isailalim si Batram sa inquest proceedings ay nagtangka itong tumakas at nang pigilan siya ay sinapak niya sa mukha si Sgt. Mijares na ikinabasag ng eye glass na suot nito.

Una rito, habang iniimbestigahan sa loob ng GAIS, pinagtatadyakan ni Batram ang mga upuan na nasira at pahiga-higa pa ito at nag-iingay sa lapag ng naturang tanggapan, kung saan siya pinagtulungang awatin ng mga pulis na kaniyang pinagtatadyakan.

Sa halip na ikulong sa MPD detention facility, sa National Center for Mental Hospital muna dinala ang banyaga dahil sa estado ng kaniyang pag-iisip at posibilidad na makapanakit ng kapwa preso.

NAGWALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with