7 drug pusher timbog sa P2.9-M shabu
MANILA, Philippines — Pitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig City Police at nasamsam ang nasa P2.5 milyong shabu, kamakalawa ng gabi.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Saner Guipal, Mohammad Adjaluddin, Butch Oyo, Arapat Samama, Hans Joseph Casiano, Johanna Usman, at Rasjid Biri, pawang mga nasa drug watch list ng pulisya.
Sa ulat, alas-7:30 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit sa may Jolo Sulu St., Quiapo Dos, Barangay Maharlika, Taguig City na kung saan ay nagawang makapagsarado ng transaksyon ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa grupo ng mga suspek para makabili ng malaking halaga ng shabu.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang palibutan sila ng mga pulis matapos na magkabayaran. Nakumpiska ang 14 na plastic sachets na naglalaman ng 433.02 gramo ng shabu na may katumbas na halaga na P2,944,536.
- Latest