^

Police Metro

4 timbog sa P1.6-M shabu

Cristina Timbang, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang nadakip sa magkahiwalay na drug operation sa Dasmariñas City, Cavite at Taguig City.

Sa Dasmariñas City, Cavite naaresto ang mga suspek na sina Amatun­ding Diamla; Samiarah Amatunding Riga, ng Brgy. Esmael at Vic Da­niel De Guzman, ng Brgy. San Simon.

Nakuha kina Diamla at Riga ang mahigit sa 30.6 gramo ng na aabot sa mahigit kumulang sa P300, 000.00. Habang kay De Guzman ang may mahigit 25 gramo ng shabu na aabot sa P200,000.00.

Sa Taguig City, na­aresto si Darwin Pindalilay, 40, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City sa isang police checkpoint kamakalawa sa C6 Road, Brgy. Hagonoy.

Pinara ng pulis ang suspek na lulan ng motorsiklo at dito ay napansin na hindi ito mapa­kali kung kaya’t nag-body search at pinabuksan ang compartment at dito
natagpuan ang anim na plastic sachet na nag­lalaman ng nasa 179.9 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P1,223,320.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with