^

Police Metro

Duterte, walang kinalaman sa quo warranto petition vs ABS-CBN

Rudy Andal, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Duterte, walang kinalaman sa quo warranto petition vs ABS-CBN
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, tungkulin ni Solicitor General Jose Calida na gampanan ang kanyang trabaho at maghain ng kaso kung sa tingin niya ay may nilabag na batas ang ABS-CBN.

MANILA, Philippines — Dumistansya ang Pa­las­yo ng Malakanyang sa inihaing quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) na nagpapawalang-bisa sa prangkisa ng television network na ABS-CBN.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, tungkulin ni Solicitor General Jose Calida na gampanan ang kanyang trabaho at maghain ng kaso kung sa tingin niya ay may nilabag na batas ang ABS-CBN.

Ayon kay Panelo, kailanman ay hindi nakialam ang pangulo sa trabaho ng ibang sangay ng pamahalaan.

Saka lamang aniya eeksena ang pangulo kung napunta na ang usa­pin sa korupsyon.

Diskarte na aniya ni Calida ang ginawang hakbang sa ABS-CBN.

Paliwanag pa ni Pa­nelo, nagpahayag lamang ng galit si Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN dahil sa hindi page-ere ng kanyang campaign advertisement kahit na bayad na noong 2016 Presidential elections.

Hindi aniya pagsupil sa malayang pamamaha­yag ang ginawa ng pangulo nang banatan ang naturang TV station.

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with