Transport groups inalmahan ang MVIS privatization
MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang transport groups mula sa mga bus, taxi, jeep, transport network vehicle services (TNVS), motorcycle taxis, trucks, school service, tricycles at UV express upang tutulan ang pagsasapribado ng Motor Vehicle Inspection Service (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay National Public Transport Coalition president, Atty. Ariel Inton na bubuo sila ng manifesto patungkol sa MVIS privatization para isumite sa kongreso, senado, Department of Transportation at Malacañang upang ipaalam ang sentimiyento ng iba’t ibang transport groups.
Anila, hindi makikinabang ang transport sector sa planong pagsasapribado ng MVIS kundi ang mayayamang kapitalista lamang.
Ayon naman kay Efren de Luna, President ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) na hindi na kailangan pang palitan ang kanilang mga sasakyan ng bagong unit dahil ang importante rito ay roadworthy ang mga sasakyan at ligtas sa biyahe ang mga pasahero.
Hindi rin anya makatwiran ang plano ng pamahalaan na isoli ang prangkisa ng kanilang sasakyan para gawin na lamang mga kooperatiba.
Pinaghirapan,anya ng mga operator na magkaroon ng prangkisa noon pa man para maging legal ang operasyon ng mga pampasaherong sasakyan .
Nagtataka sila kung bakit nais ng pamahalaan na mag-back to zero ang operasyon ng mga passenger vehicles na magbubunsod lamang anya ng pakinabang sa mga mayayamang kapitalista at mapapag-iwanan ang mga maliliit na operator ng mga pampasaherong sasakyan.
- Latest