^

Police Metro

Magtiyo tinodas, suspek inutas ng kaanak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa dead-on-the-spot ang isang magtiyuhin matapos na sila ay pagbabarilin sa bahay ng isang drug addict na napatay rin ng mga kaanak ng una naganap kamakalawa sa Rosario, Batangas.

Ang magtiyuhin na nasawi ay kinilalang sina Leo Guico, 45; at 12-an­yos na pamangkin na si Cyrus Ethaniel Pusing, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo.

Napatay rin ang suspek na si Mark Anthony Claveria,33 nang pagbabarilin ito ng kaanak ng  magtiyuhin na humabol sa una na tumatakas.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nang pasukin ng suspect ang bahay ni Guico sa Brgy. Antipolo at walang kaabog-abog na pagbabarilin ang una at dinamay si Pusing.

Mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo ang suspek, pero sa pagmamadali ay sumemplang kaya’t naabutan ito ng mga tumutugis na kaanak ng mga biktima at pagbabarilin ito.

Nabatid sa pulisya na ang dalawang biktima at ang suspek ay pawang magkakamag-anak.

Ang suspect ay pitong taong nakulong sa Cavite kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Anti Dangerous Drugs Act na napalaya sa plea bargaining.

Kabilang din ang suspect sa sumurender sa Oplan Tokhang ng PNP sa kanilang lugar.

DRUG ADDICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with