^

Police Metro

9 kawani na-suffocate sa gas leak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak sa ospital ang 9 empleyado ng isang online school matapos ma-suffocate sa umano’y gas leak sa kanilang tanggapan sa Pasig City kamakalawa ng hapon.

Hindi na tinukoy ang pangalan ng mga biktima na sinasabing mga empleyado ng 51 Talk Rewards and Recognitions, na matatagpuan sa ika-9 na palapag ng JMT Building, ADB Ortigas Avenue, Barangay San Antonio, Pasig City.

Sa report, dakong alas-5:23 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang rescue team ng Pasig City mula sa administrador ng JMT building, matapos na magreklamo ang may 27 empleyado na mayroong nagaganap na gas leak sa kanilang tanggapan.

Sinasabing nag-o-overtime ang mga empleyado nang malanghap ang tumagas na hindi batid na uri ng gas chemical.

Isinugod sa pagamutan ang siyam sa 27-empleyado na kaagad din namang pinauwi sa kanilang mga tahanan matapos na malapatan ng paunang lunas.

vuukle comment

GAS LEAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with