Lady manager binaril sa ulo
MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 33-anyos na dalaga nang malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki habang sumasakay ng kaniyang kotse, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas, City.
Ang nasawing biktima ay kinilala sa pamamagitan ng nakuhang identification card (ID) sa kaniyang sasakyan na si Corina Ibias, investment manager ng Sun Life Insurance at residente ng Pamplona II Subdivision, Las Piñas City.
Sa ulat ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa Daang Hari St., Barangay Almanza 2 ng lungsod.
Nabatid na kahahatid pa lang sa biktima ng isang lalaki na pinaniniwalaang nobyo nito patungo sa kaniyang Honda City (AKA 5761) na nakaparada sa Daang Hari St.
Nang makaalis na ang nobyo ay agad nilapitan ng salarin at binaril sa ulo gamit ang kalibre 45 baril ang biktima na papasakay sa kanyang kotse.
Walang narinig na putok ang mga residente na pinaniniwalaang ginamitan ng silencer ang baril.
Ayon sa pulisya, pinagplanuhan ang pagpatay sa biktima dahil bago ang pamamaril ay kumain pa sila ng kanyang nobyo sa isang restoran at nang makaalis ang lalaki ay dun isinagawa ang pagpatay sa biktima.
- Latest