^

Police Metro

2 motor nagsalpukan:1 patay,1 kritikal

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang mister habang nasa kritikal na ka­lagayan ang isang 17-anyos na binatilyo nang magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo sa national highway ng Brgy. Ziminila, Camalaniugan, Caga­yan kamakalawa. 

Ang nasawi ay kinila­lang si Romeo San Juan, habang nasa kritikal ang 17-anyos na si Mark Jordan Costales.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi ay mabilis na binabagtas ni San Juan ang kanyang motorsiklo sa nasabing highway nang agawin umano nito ang kabilang linya kaya’t nasalpok siya ng kasalubong na minamanehong motorsiklo ni Costales.

Kapwa tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada ang dalawa na isinugod ng mga sumaklolo sa hospital, subalit hindi na nakaabot ng buhay si San Juan.

ROMEO SAN JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with