^

Police Metro

Aguirre at ex-Banco Filipino officials kasuhan -- Solons

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang kongresista ang nais na makasuhan ang mga dating opisyal ng Banco Filipino, Savings­ and Mortgage Bank.

Sa inihain na House Resolutions No.609 ay no.610 ni Kabayan Rep. Ron Salo malinaw umano  na isang gawaing kriminal ang ginawa ni Bobby Aguirre, dating vice chairman at iba pang opisyales.

Kaya hiniling niya sa tamang komite sa kongreso na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation sa maanomalyang fraudulent disbursements na ginawa ng Banco Filipino lalo na ni Aguirre at ng mga direktor.

Iginiit naman ni Rep. Jorge Bustos ng Patrol Party­list­ na nasa 62 branches ang nasabing bangko ng ma-takeover ng PDIC at dito nadiskubre na nagbayad  din ang Banco Filipino ng P255.9 milyon sa isa pang law firm kung saan partner ang isa sa mga direktor ng nasabing bangko.

Matatandang nagsampa sa Department of Justice Task Force on Financial Fraud ng kasong kriminal ang Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) laban kay Aguirre at ibang opisyal dahil sa maanomalyang pagbabayad ng hindi bababa sa P700 milyones ng illegal sa mga “legal firms” ng wala kontrata o supporting documents noong panahon na nalulugi ang nasabing bangko.

Dati na rin nakasuhan ng “syndicated estafa” ng PDIC si Aguirre at iba pa dahil sa paggastos umano ng P669.6 milyong pera ng mga depositors para sa biyaheng abroad.

Inaasahan naman ng iba pang mambabatas na mabibigyan katarungan ang mga depositors at iba pang naapektuhang mamamayan sa ginawang gusot ni Aguirre.

BOBBY AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with