^

Police Metro

Lady manager, dinukot at binugbog ng basted na manliligaw

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit na nahihilo pa ay nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang lady manager laban sa binas­ted nitong manliligaw na dumukot, gumulpi at nagkulong sa bahay nito kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Itinago ang pagkakaki­lanlan ng biktima, 32-anyos na isang manager ng isang restoran na nagsampa ng kaso sa  suspek na kinila­lang si Erwin Quipado, 38.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, alas-12:00 ng mada­ling araw nang harangin ng suspek ang kanyang sasak­yan at tinutukan ng sumpak na kung saan ay sumakay ito at inutusan na dalhin sa bahay nito sa Gen. Ordoñez St., Barangay Marikina Heights, SSS Village, Barangay Concepcion 2.

Inamin ng biktima na isang regular na kostumer ng restaurant ang suspek at ma­sugid din niyang manliligaw.

Ipinasok ng suspek ang biktima sa kanyang silid at ginulpi habang nakatutok ang dala nitong sumpak, hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay-tao.

Tinangay ng suspek ang Samsung S10 cellphone, wallet na may lamang P6,000, at ATM card, ng biktima at saka ikinulong sa loob ng bahay bago umalis.

Isang concerned citizen naman ang nakakita ng pangyayari kaya’t tinulungan ang biktima na makatakas at nagsampa ng reklamo sa pulisya.

vuukle comment

ERWIN QUIPADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with