Duterte: Vape smokers arestuhin!

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga law enforcers na arestuhin ang mga vape smokers sa mga pampublikong lugar.
Kasunod ito ng anunsiyo ng pangulo na pag-ban sa paggamit at importation ng vaping products.
Ayon sa pangulo, toxic ito at hindi maganda sa kalusugan ng publiko.
“I will ban it. I will ban it, the use and importation,” sabi ni Duterte.
“You know why? Because it is toxic, and government has the power to issue measures to protect public health and public interest,” dagdag pa nito.
Hindi aniya ito maaaring gawin sa loob ng isang kwarto dahil mako-contaminate nito ang mga taong hindi pa panahong mamatay.
“Better stop it because I will order your arrest if you do it in a room. I am now ordering the law-enforcement agencies to arrest anybody vaping in public. That is like smoking,” ayon pa sa Pangulo.
Binigyang diin rin ni Duterte na ang mga vape ay naglalaman ng kemikal na mayroong hindi matukoy na apekto sa katawan. Bukod pa rito ay hindi rin umano ito pumapasa sa Food and Drug Administration.
Kamakailan lamang ay isang 16-taong gulang na babae mula Visayas ang nagkaroon ng sakit sa baga dahil sa vape.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Bernard Banac na inutusan na ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang lahat ng mga pulis sa buong bansa na ipatupad ang ban o pagbabawal sa paggamit ng vape.
Lahat ng mga lalabag ay aarestuhin at kukumpiskahin din ang mga gamit nila, sabi sa pahayag.
Makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga local government unit at iba pang ahensiya para sa pag-dispose ng mga makukumpiskang vape.
- Latest















