^

Police Metro

Power interruption sa Luzon sa Nobyembre 4-10

Mer Layson - Pang-masa
Power interruption sa Luzon sa Nobyembre 4-10
Batay sa abiso ng Meralco, magsisimula ang power interruption nga­yong Lunes, Nobyembre 4 at magtatagal hanggang sa Linggo, Nobyembre 10.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Meralco na makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong linggo ito.

Dahil ito sa mga maintenance work o pagkukumpuni na isasagawa sa mga apektadong lugar.

Batay sa abiso ng Meralco, magsisimula ang power interruption nga­yong Lunes, Nobyembre 4 at magtatagal hanggang sa Linggo, Nobyembre 10.

Kabilang sa mga lugar na mawawalan ng suplay ng kuryente ay ang Caloocan City dahil sa pag-upgrade at reconstruction ng mga pasilidad sa Gen. Rosendo Simon at Calle Uno Streets; Las Piñas City dahil sa pagpapalit ng mga poste, line reconductoring works, at paglilipat ng mga pasilidad sa Aria St., Bgy. Talon II, at pag-install ng mga pasilidad at pagpalit ng mga poste sa Alabang-Zapote Road sa Bgy. Talon II.

Kasama rin sa apektado ang Parañaque City dahil sa pagpalit ng mga poste at line reconductoring works sa N. Lopez Ave. sa Barangay San Isidro at Pasay City dahil sa line reconductoring works sa F. B. Harrison Street.

Makakaranas din ng power interruption ang Quezon City sa line reconductoring works at pag-install ng mga pasilidad sa Makadios St. sa Bgy. Botocan, Diliman at Valenzuela City dahil naman sa paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng DPWH road widening project sa Tagalag Road sa Bgy. Tagalag.

Pansamantala ring mawawalan ng suplay ng kuryente ang San Jose del Monte City, Bulacan dahil sa line reconducto­ring works sa Francisco Homes Subd. Phase D, Bgy. Francisco Homes-Mulawin; San Ildefonso at San Miguel, Bulacan at Candaba, Pampanga dahil sa preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco-San Miguel substation.

May power interruption din sa Balagtas, Guiguinto, at Plaridel, Bulacan dahil sa paglipat ng mga poste at line reconductoring works sa C. Mercado St., Bgy. Tuktukan, Guiguinto.

Apektado rin naman ang Dasmariñas City at Silang, Cavite bunsod naman ng maintenance works sa loob ng Meralco-Silang substation at Imus, Cavite dahil sa line reconductoring works, pag-install at paglilipat ng mga pasilidad sa Pasong Buaya I Road sa Bgy. Pasong Buaya I, Imus City.

Humingi naman ng paumanhin at umaapela ng pang-unawa ang Meralco sa kanilang consumers na apek­tado ng power interruptions.

vuukle comment

POWER INTERRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with