^

Police Metro

Misis inutas, mister na pulis nag-suicide

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang misis nang siya ay barilin sa ulo ng mister na pu­lis na nagbaril din sa sarili naganap kahapon ng umaga sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang nasawi ay kinilalang si Karen Cacho habang ang suspek na mister nito na si Patrolman Raymund Cacho, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ay namatay din matapos barilin ang sarili.

Sa imbestigasyon, ni Police Major Edgar Salazar, Commander ng Puerto Princesa City Police Station 2, dakong alas-10:10 ng umaga nang mangyari ang krimen sa grandstand ng Ramon Mitra Sports  Complex sa Brgy. Santa Monica.

Sa salaysay ng mga testigo sa pulisya na bago naganap ang krimen ay nakita nila ang mag-asawa na nag-aaway at ilang sandali ay binunot ng pulis ang kanyang baril at binaril ang kisame ng grandstand pagkatapos ay binaril sa ulo ang misis gamit ang kanyang service firearms na 9 MM pistol.

Nang mapatay ang misis ay agad nakonsensiya ang pulis sa kanyang ginawa kung kaya’t nagbaril sa sentido na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

NAGBARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with