^

Police Metro

5-anyos kinatay ng binatilyong kaanak na galing sa mental

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtataga ng parang hayop ang isang 5-anyos na batang lalaki ng kanyang 14-anyos na pamangkin na kalalabas lang sa mental hospital naganap kamakalawa sa Tuao, Cagayan. 

Ayon sa ulat na nakara­ting kay P/Major Reymund Asistores, hepe ng Tuao-PNP, walang bahid nang alinlangan na itinuro ng 14-anyos na suspek ang bangkay ng bata na tadtad ng taga sa gitna ng maisan dakong alas 12:00 ng tanghali. 

Bago naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga ay iniwan ng mga magulang ang bata sa pa­ngangalaga ng suspek upang magtrabaho sa anihan at hindi nila alam na dinala pala ng suspek ang kanilang anak sa maisan at doon pinatay. Nabatid na ipinasuri ang suspek ng kanyang pa­milya sa mental hospital dahil malimit nilang madatnang nagsasalita mag-isa, subalit kalauanan ay pinayagang umuwi ang suspek dahil wala umanong nakita na anumang sakit sa isip.

Ang suspek ay isinailalim sa pangangalaga ng DSWD  habang patuloy na sinisiyasat ng mga imbestigador kung may iba pang kasabwat sa kaso.

vuukle comment

MENTAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with