^

Police Metro

Putul-putol na katawan isinilid sa bag... Ina tsinap-chop ng adik na anak

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Putul-putol na katawan isinilid sa bag... Ina tsinap-chop ng adik na anak
Ang suspek na napatay ng mga pulis nang ito’y manlaban nang ­aarestuhin ay kinilalang si Dondie al Sharif Nur, 46-anyos.
File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang matandang ina sa kamay mismo ng kanyang anak nang matapos patayin ay tsinap-chop pa ang katawan gamit ang isang samurai at saka isinilid sa isang malaking bag naganap sa Brgy. Sinunuc Zamboanga City, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay si Amy Roda Villareal Nur, 72-anyos.

Ang suspek na napatay ng mga pulis nang ito’y manlaban nang ­aarestuhin ay kinilalang si Dondie al Sharif Nur, 46-anyos.

Batay sa im­bestigasyon, madalas umanong saktan ng suspek ang kanyang ina tuwing wala itong naaabutang pagkain sa bahay.

Pero nitong nagdaang araw ay napansin ng mga kapitbahay na hindi na lumalabas ng bahay ang biktima hanggang nakita ng mga kapitbahay si Dondie na nagtapon ng isang malaking bag sa damuhan ‘di kalayuan sa kanilang bahay.

Nang puntahan ng mga kapitbahay ang pinagtapunan ng bag at tinignan ang laman nito ay dito na tumambad sa kanila ang putul-putol nang katawan ng biktima.

Agad namang ru­mesponde ang mga pulis at pinuntahan sa bahay ang suspek ngunit nagkulong ito na hawak pa rin ang patalim.

Dito ay napilitan nang pasukin ng mga pulis ang bahay ngunit nanlaban umano ang suspek kung kaya’t napatay ng mga otoridad.

Nabatid na lulong sa droga ang suspek na dumaranas umano ng depresyon mula nang matanggal sa trabaho bilang guwardiya nang gawin ang kalunus-lunos na krimen.

vuukle comment

CHOPCHOP

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with