^

Police Metro

Amok sa Las Piñas: 3 patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatay muna ng isang lalaking nag-amok ang kanyang kapitbahay at 16-anyos na stepson bago siya napatay ng mga rumespondeng pulis kahapon ng hapon sa Brgy. CAA, Las Piñas City.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Danilo Bilog, 35, negosyante; at Reniel Nonato, 16. Habang na­patay ng mga pulis ang suspek na si Renan Fulgencio, nasa hustong gu­lang at residente ng Brgy. Balikatan.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon nang una nitong sinaksak at napatay ang stepson na si Nonato sa loob ng kanilang bahay.

Nang tumakas ay nabundol niya ang kapitbahay na si Bilog na kanya ring pinagsasaksak at nang mapatay ay muling buma­lik sa loob ng kanyang bahay.

Nang rumesponde ang mga pulis para arestu­hin ang suspek ay una nilang inakala na hino-hostage ni Fulgencio si Nonato kaya naging ma­ingat ang kanilang galaw at nakipagnegosasyon pa sa suspek.

Nang lapitan ng mga pulis ang kinaroroonan ng suspek ay inatake sila nito ng saksak kaya’t pi­nagbabaril nila ito at na­patay.

Isinugod sa pagamutan si Fulgencio ngunit  hindi na ito umabot ng buhay at dito ay nadiskubre ng mga pulis ang wala nang buhay na si Nonato sa loob ng kanilang bahay.

Tinitignan ng mga pulis ang anggulong selos sa pamamaslang na sangkot ang kanyang misis at stepson.

RENAN FULGENCIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with