Mindoro solon pinapa-inhibit sa HRET
MANILA, Philippines — Dapat umanong mag-inhibit sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si Oriental Mindoro 1st district Rep. Paulino Salvador Leachon dahil sa electoral protest na nakasampa laban sa kanya.
Ito ang sinabi ni Marilou Morillo, kandidato ng Partido Fedeera ng Pilipinas sa unang distrito ng Oriental Mindoro noong nakaraang May 2019 elections, sa ngalan ng integridad at delicadez dapat ang mag-inhibit si Leachon sa HRET.
Si Leachon ay itinalagang chairman ng HRET sa kamara.
Sa 68 pahinang electoral protest sa HRET na inihain ni Morillo laban kay Leachon noong Hulyo , sinabi niya na mayroong mga hindi maipaliwanag na technical errors ng mga vote counting machines o VCM at mga depektibong SD card nagresulta sa pagka-delay ng pagsusumite ng resulta ng eleksyon mula sa precinct level hanggang sa provincial board of canvassers.
Dahil sa mga technical errors ng VCMs, naging kaduda-duda ang resulta ng eleksyon kung ito ba ay intensyunal sa layong mamanipula ang eleksyon pabor kay Leachon.
Ayon kay Morillo, paano masisiguro ang integridad at walang kikilingan ang desisyon ng HRET kung si Leachon na chairman nito ang siyang didinig ng kaso laban sa kanya.
Dahil dito kaya hinihiling niya na mag-inhibit ang kongresisa sa electoral tibunal
Pinuna rin ni Morillo na matapos ag pagsusumite ng kanilang protesta laban kay Leachon ay nagmamadali umano itong makuha ang posisyon sa HRET.
- Latest