^

Police Metro

Reward sa drug informants, aprub sa QC Council

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aprubado na sa konseho ng Quezon City ang panukalang ordinansa ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco na nagbibigay ng reward sa mga impormante na makapagtuturo ng mala­laking sindikato ng illegal drugs upang makatulong sa kampanya ng pamahalaan sa giyera kontra ilegal na droga.

Ayon sa ordinansa ni Coun.Francisco ang mga ibibigay na impormasyon ng nasabing concerned citizens ay magbibigay kalutasan para maiwasan ang krimen at napakahalagang bagay sa mga alagad ng batas sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin para sa komunidad para sa epek­tibong kampanya laban sa krimen at illegal drugs operation.

Sa kasalukuyan meron dalawang batas ng national na nagbibigay ng reward system sa makapagbibigay ng impormasyon sa paglutas ng krimen at paglaganap ng ilegal na droga, subalit limitado lamang ang natu­rang batas.

Ayon pa sa ordinansa ang drug code ng lungsod ay tumutukoy lamang sa pagbibigay ng maximum na ten thousand pesos (P10,000) bilang reward sa mga impormante na makakapagbigay ng impormasyon laban sa illegal drug users at peddlers.

Nabatid pa sa ordinansa na ang tanggapan ng City Mayor ay bubuo ng Incentives and Rewards Board, na bubuuin ng City Mayor, bilang chairman, City Vice Mayor bilang Head ng Quezon City Anti-Druiig Abuse Advisory Council bilang vice chairman.

vuukle comment

ALLAN BUTCH FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with