^

Police Metro

Ginang dedo sa nabuwal na puno

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 38-anyos na ginang nang madaganan ng nabu­wal na punong kahoy sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng madaling araw sa Brgy. UP Campus, Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Omayra Sumala Macapundi, ng Brgy. UP Campus ng lungsod.

Sa ulat, bandang alas-4:30 ng madaling araw sa kasagsagan ng malalakas na pagbuhos ng ulan sanhi ng monsoon rains at habagat ay kasalukuyang mahimbing na natutulog ang pamilya ng ginang nang mabagsakan ang kanilang bahay ng isang malaking puno ng Ipil-ipil kung saan tinamaan sa ulo ang ginang na agad nitong ikinasawi habang masuwerteng hindi nasaktan ang mister nito at dalawang paslit na anak na katabi nitong natutulog.

Nagresponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumamit na ng chainsaw para putulin ang higanteng puno.

vuukle comment

MMDA

PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with