^

Police Metro

Negosyo sa Maynila, uunlad-Bagatsing

Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ng kilalang civic leader at negosyante na si Don Bagatsing na lalago at uunlad ang mga negosyo sa Maynila bunsod na rin ng political will o pagi­ging seryoso ni Manila City Mayor Isko Moreno na linisin ang mga pangunahing kalsada sa Quiapo, Divisoria at iba pa na sentro ng kalakalan sa lungsod. 

Sinabi ni Bagat­sing­­, ang mga lansangan sa May­nila kagaya ng isang ugat na dumadaloy ang dugo pa­­­tungo sa ating puso at baga kapag walang barado ay tuluy-tuloy ang daloy ng dugo, kapag walang barado sa lansangan ay uunlad ang negosyo at kalakalan.

“Roads are like arte­ries to the lungs. You clear it, you let the city breath, trade & commerce will boom” sabi ni Bagatsing.

Sinabi ni Bagatsing, malaking kaginhawaan sa kanilang mga negosyante ang ginagawang paglilinis ni Mayor Moreno sa mga lansangan gaya ng paglilinis sa Divisoria na maluwag ng nakakadaan ang mga sasakyan at mga jeep at hindi na rin nahihirapan ang mga mamamayan na nagtutungo sa naturang lugar.

Inihayag pa ni Bagat­sing na darami pa ang mga negosyante na maglalagak ng negosyo sa Maynila dahil sa ipinatutupad na mahigpit na disiplina sa mga vendor at motorista na dapat sumunod sa ipinaiiral na batas.

vuukle comment

DON BAGATSING

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with