^

Police Metro

Abogado dinedo ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang abogado nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Hagcol, Valencia City, Bukidnon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Atty. Nicolas Gomez, na taga Davao City, isang balikbayan galing Estados Unidos at pansamantalang naninirahan sa Purok 13, Brgy. Poblacion, Valencia City.

Sa ulat na nakarating kay Police Regional Office (PRO) 10 Spokesman Police Lt. Col. Surki Se­renas, bandang alas-6:30 ng gabi ay nakatayo lang ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ng angkas ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin na lulan ng XRM motorcycle na walang plaka patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay itinumba rin ng hindi pa kilalang mga suspek si Atty. Anthony Trinidad sa Guihulngan City, Neg­ros Oriental.

vuukle comment

NICOLAS GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with