Anak ng ex-governor, 4 pa tumba sa checkpoint

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang limang katao kabilang ang anak ng dating gobernador ng Maguindanao matapos manlaban sa isang checkpoint sa Brgy. Inug-ug sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga nasa-wi na sina Hashim Matalam anak ni dating Maguindanao Governor Norodin Matalam; Botod Concon, residente ng Pangi, Davao City; Alex Sanduyugan ng Rajahmuda, Pikit, Cotabato; Ganto Pasandalan ng Tinutulan, Pikit, North Cotabato at Abdullah Mamalumpong, pugante ng North Cotabato District Jail; pawang mga nasa hustong gulang.
Sa ulat ni Police Captain Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP alas-8:48 ng gabi nang dumaan sa checkpoint ang mga suspek na sa halip na huminto ay pinaharurot nila ang kanilang sinasakyang kulay puting Nissan Patrol (LEM 521) dahilan para sila ay habulin ng mga sundalo.
Unang nagpaputok ng kanilang armas ang mga suspek na agad namang ginantihan ng mga sundalo at pulis dahilan upang mapatay ang mga ito.
Nakuha sa loob ng sasakyan ang iba’t ibang klase ng baril at mga pampasabog, ilang sachet ng shabu, drug paraphernalias at cash na nagkakahalaga ng P15, 900.
- Latest




















