^

Police Metro

Naniningil ng pautang, binayaran ng bala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bala ang ibinayad ng isang lalaki na sinisingil ng biktima sa kanyang utang na pera naganap kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Ang biktima na nasawi noon din ay kinilala ng Taguig City Police sa alyas na “Cholo”, nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’9”, nakasuot ng itim na t-shirt, berdeng jacket, at asul na shorts.

Sa salaysay ng saksing si Rowell Santiago, Grab driver na dakong alas-6:00 ng gabi sa kahabaan ng Capistrano Extension, Brgy. Hagonoy ay suma-kay ang biktima sa may Pasig City at nagpahatid sa Taguig. 

Dito niya nakakuwentuhan ang biktima na nagpakilalang “Cholo” na nagsabing may hinahanap siyang tao para singilin ng utang.

 Pagdating sa Capis-trano Extension, bumaba ang biktima, pero sinabihan siya na maghintay at makalipas ang ilang sandali, nakarinig si Santiago nang sunud-sunod na putok ng baril.  

Nang tumigil na ang putok ng baril ay tinunton niya ang pinagmulan ng mga putok at tumambad sa kanya ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Rumesponde ang mga tauhan ng pulisya ngunit hindi na nagawang mahabol ang suspek.

vuukle comment

ROWELL SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with