^

Police Metro

Basura ng Canada pabalik na sa kanila

Rudy Andal, Lordeth Bonilla - Pang-masa
Basura ng Canada pabalik na sa kanila
Sinabi ni Sec. Guevarra, huling ikakarga sa barko ang mga containers na naglalaman ng mga basura upang una itong magdiskarga kapag dumating sa Ottawa.
DFA/Nilo Palaya

69 containers uunahing idiskarga sa Ottawa…

MANILA, Philippines — Nakatakda nang bumiyahe ngayong Biyernes pabalik sa Canada ang may 69 containers na basura na ikinarga sa isang barko na dumaong sa Subic Freeport matapos ma-delay ang shipment nito kahapon

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra na itinalagang caretaker ng gobyerno habang nasa 4-day working visit sa Japan si Pangulong Duterte, ang MV Bavaria ang maghahatid sa 69 na container vans ng basura pabalik sa Canada na dumating kahapon bandang alas-5:00 ng hapon sa New Container Port sa Subic.

Sinabi ni Sec. Guevarra, huling ikakarga sa barko ang mga containers na naglalaman ng mga basura upang una itong magdiskarga kapag dumating sa Ottawa.

Aniya, ang Canadian government na rin ang sumagot ng gastos na P10-milyon upang maibalik ang tone-toneladang basura na dumating sa bansa noong 2013-2014.

Kung masusunod ang schedule ay ngayong alas-12:00 ng hatinggabi ang alis ng barko kapag nakumpleto nang ikarga ang mga containers ng basura.

Magugunita na nagalit na si Pangulong Duterte sa tagal na hakutin ng Canada ang basura nito kaya inutusan ang mga awtoridad na kumuha na ng barkong magbabalik nito at kapag hindi tinanggap ay itapon sa mga beach ng Canada ito.

69 CONTAINERS NA BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with