8 bagyo tatama sa bansa ngayong taon - Pagasa
MANILA, Philippines — Nasa lima hanggang walong bagyo ang posibleng tumama sa bansa mula buwan ng Hunyo hanggang buwan ng Agosto ngayong taon.
Ito ang sinabi ni PAGASA deputy administrator Flaviana Hilario, dahil sa patuloy ang pananatili sa bansa ng tagtuyot o el niño phenomenon at hindi naman sobrang lakas ang mga pag-uulan na mararanasan sa panahon ng pagpasok ng inaasahang walong bagyo sa bansa.
Anya, sa pagpasok ng tag-ulan sa Hunyo, magiging normal ang rainfall condition sa maraming bahagi ng bansa maliban sa Apayao, maraming bahagi ng Ilocos region, Cagayan Valley, Tarlac, at Zambales dahil ang mga lugar na ito ay makakaranas ng below normal rainfall.
Nabatid na ang bansa ay dinadalaw ng halos 20 bagyo bawat taon.
- Latest