Senior citizen tiklo sa P10-M shabu
MANILA, Philippines — Isang 65-anyos na senior citizen ang nadakip ng mga otoridad sa isang drug buy bust operation at nakumpiska ang nasa P10 milyon halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sta. Ana, Pateros.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Angelo Reyes, ng Alley 12 Brgy. Santa Ana ng nasabing bayan.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang buy bust operation sa loob ng minamanehong sasakyan ng suspek sa nabanggit na lugar na kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu.
Nang magkaabutan na ng items ay doon na inaresto ang suspek at nakumpiska ang nasa 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon na nakabalot sa tea bags na may Chinese character.
Labis naman ang pagsisisi ni Reyes at sabay itong humingi ng tawad sa kanyang asawa, pamilya, lalo na sa mga apo nito.
- Latest