^

Police Metro

Ginang natupok sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos hindi na ma­kilala ang bangkay ng isang ginang matapos matupok ang buong kata­wan nito nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Alice Simbulan, 46, na natagpuang tupok sa loob ng kanyang natupok na bahay sa may Brgy. 49, ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa isang residential area sa kanto ng 4th Ave­nue at Nadurata Street.

Nagtulung-tulong ang nasa 79 trak ng bumbero na patayin ang apoy na umakyat sa ikaapat na alarma dakong alas-4:57 ng hapon bago nagdeklara na “fire under control” alas-5:08 ng hapon at “fire out” dakong alas-5:42 ng hapon.

Sa isinagawang mopping operation ay nadiskubre ang bangkay ni Simbulan na naipit sa kanyang bahay at umabot sa 35 pamilya ang nawalan ng bahay.

ALICE SIMBULAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with