Re-electionist na konsehal, utol itinumba
Niratrat habang nangangampanya...
MANILA, Philippines — Tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang reelectionist na konsehal at kapatid nito habang nangangampanya kahapon ng umaga sa Brgy. Inolingan, Moises Padilla, Negros Occidental.
Namatay noon din ang mga biktima na sina Mark Garcia, re-electionist na konsehal at utol nitong si Michael Garcia, dating Association of Brgy. Captains (ABC) President ng Moises Padilla.
Nakaligtas naman ang kapatid ni Mark na si Vice Mayor Ella Garcia Yulo ng Moises Padilla na masuwerteng hindi tinamaan sa pamamaril ng mga salarin.
Batay sa ulat, dakong alas-10:10 ng umaga ay abala ang magkakapatid sa pangangampanya sa lugar nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng motorsiklo at isa pang sasakyan.
Isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay pulitika at posibleng ring pananabotahe na kagagawan ng mga armadong grupo sa lalawigan.
- Latest