Ex-AFP comptroller guilty sa kasong perjury
MANILA, Philippines — ‘Guilty’ sa kasong perjury ang naging hatol ng Sandiganbayan da-ting Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller retired Lt. Gen. Jacinto Ligot.
Sa desisyon ng anti-graft court, guilty sa anim na bilang ng perjury si Ligot kaya hinatulan siyang mabilanggo ng tig-isang taon sa bawat bilang.
Habang ‘not guilty’ naman ang naging hatol sa dalawa at ang naibasura naman ang tatlo pang bilang ng kaparehong kaso.
Nag-ugat ang kasong perjury ng dating comptroller dahil sa maling deklarasyon ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 1993 hanggang 2003.
Si Ligot ay kaagad naglalagak na ng kanyang piyansa para sa 6 counts of perjury kung saan nahatulan siyang guilty.
Matatandaan na si Ligot at dating Major Gen. Carlos Garcia na dati ring AFP comptroller ay nasangkot sa korapsyon. Noong 2011 matapos na ibunyag ni dating budget officer Lt. Col. George Rabusa na ang mga paalis na AFP chief of staff ay binibigyan ng umanoy “send off gifts” noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo.
- Latest