^

Police Metro

‘Adik’ nag-amok, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa
�Adik� nag-amok, dedo

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang 26-anyos na lalaki na sinasabing ‘adik’ sa droga nang barilin ng mga rumespondeng pulis matapos gawing hostage ang tatlo niyang kaanak makaraang tangkaing sunugin ang kanilang tahanan at saksakin ang dalawa sa mga pulis naganap sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.

 

Sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang suspek na si Ranil Christian Baje, binata, walang trabaho, kilalang lulong sa iligal na droga at residente sa No. 2408 Floresca St., ng naturang lugar.

Sugatan naman insidente sina Insp. Francis Guevarra at Insp. Genesisi Aliling.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang mag-amok umano ang suspek at tinangka nitong sunugin ang kanilang bahay na masuwerteng agad namang naagapan sa pagtutulong-tulong ng mga kapitbahay kaya itinawag ng Brgy. 860, Zone 94 ang insidente.

Nang dumating ang mga pulis mula sa Beata Police Community Precinct para arestuhin ang suspek ay nagtatakbo ito sa loob ng bahay at kumuha ng patalim at hinostage ang kaniyang lola, tiyuhin at pamangkin.

Sinubok na payapain ang suspek ngunit sinaksak nito Insp. Tililing sa bahagi ng batok at si Insp. Guevarra na sa palad naman tinamaan.

Dahil dito ay wala nang nagawa ang iba pang pulis kundi pagbabarilin ang suspek hanggang sa duguang bumagsak.

Nabatid na may tatlong araw na umanong walang tulog ang napatay na suspek.

vuukle comment

ADDICT

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with