^

Police Metro

Joy B ipapatupad ang mahigpit na smoking ban sa QC

Angie dela Cruz - Pang-masa
Joy B ipapatupad ang mahigpit na smoking ban sa QC
Ayon kay Belmonte, mas prayoridad niya ang kalusugan ng mamamayan kaysa sa kinikita ng mga establisimiyento na nagbebenta ng sigarilyo.
File

MANILA, Philippines — Nangako si Quezon City acting mayor Joy Belmonte na mas hihigpitan ang pagpapatupad ng ordinansa sa smoking ban sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, mas prayoridad niya ang kalusugan ng mamamayan kaysa sa kinikita ng mga establisimiyento na nagbebenta ng sigarilyo.

Nanindigan din si Belmonte sa pagpapataw ng parusa sa mga lalabag sa ordinansa at sinabing muli nitong rerepasuhin ang batas para sa mga posibleng pagbabago upang gawin itong mas naayon sa Executive Order No. 26 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Ordinance 1420 ay nagbabawal sa paniniga­rilyo sa mga pampublikong lugar sa Quezon City mula nang ipatupad ito noong 2014, na siya rin panibagong bersyon ng naunang ordinansa sa smoking ban mula pa noong 1989.

Bukas din anya ang pamahalaang lungsod para pakinggan ang mga hinaing ng mga bar owner sakaling makaapekto sa kanilang kita ang pababawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

SMOKING BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with