Karpintero hulog mula 4th flr ng iskul, lasog
MANILA, Philippines — Lasog ang katawan ng isang 45-anyos na karpintero matapos mahulog mula sa ika-apat na palapag na gusali ng pampublikong paaralan dahil sa paglakad umano nito habang tulog, sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Bigo nang maisalba ng mga doktor ng Medical Center Manila ang biktimang si Camilo Encenzo Jr., ng NME Construction, residente ng B-7, Lot 1, Brgy. Luzviminda, Lino, Dasmariñas, Cavite.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:00, ng gabi, nang maganap ang insidente sa Bagong Diwa Elementary School sa Linceo St., Pandacan.
Natutulog umano ang biktima sa papag ng Social Hall sa 4th floor nang maglakad ito hanggang sa bigla na lang nahulog at bumulusok ito sa ground floor ng eskuwelahan.
Sa imbestigasyon, sakit na umano ng biktima ang maglakad habang tulog, na kinumpirma umano ng kaniyang live-in partner
- Latest

















