^

Police Metro

Parak binoga sa ulo

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang ­alagad ng batas matapos na barilin nang malapitan sa ulo ng ‘di pa nakikilalang riding-in-tandem sa Purok Francisco, Brgy. Purikay, Lebak, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.

 

Kinilala ni Lebak PNP Chief of Police, Chief ­Inspector Randy Eliarda ang biktima na si PO3 Jeffrey Manalo.

Ayon kay Eliarda, alas-10:00 ng umaga nang magpaalam umano si Manalo sa kanya, na lalabas ito ng opisina dahil mayroon itong imo-monitor.

Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap ang himpilan ng report na binaril umano si Manalo ng mga suspek sa naturang lugar. 

Nabatid na sinundan ng mga salarin ang biktima at binoga nang malapitan sa ulo.

Naniniwala si Eliarda na may kaugnay sa trabaho ni Manalo ang motibo sa pagpaslang sa kanya.

Sinabi ng opisyal na isang police intellegence officer ng kanilang himpilan si Manalo at aktibo ito sa kampanya kontra iligal na droga sa bayan ng Lebak.

vuukle comment

BINARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with