43-anyos guro, nagbigti
MANILA, Philippines — Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang 43-anyos na public school teacher matapos na kusa itong magpasalubong kay kamatayan nang magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Juan sa Iriga City, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon. Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa pagamutan pero idineklarang patay ang biktimang si Anthony Gutieres Abasalon, may asawa at residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, nadiskure ng isang kaanak na nakabitin ang biktima gamit ang lubid na nylon na itinali sa kanyang leeg at sa kisame sa loob mismo kanilang kuwarto.
Hindi pa malaman kung ano ang mabigat na problema ng biktima pero nakitaan ito ng matinding depresyon nitong nakaraang mga araw.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.
- Latest