^

Police Metro

Road mishap: Riding in trio, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo makaraang suwagin ng isang truck kamakalawa ng gabi sa national highway ng Brgy. Bugayong, Binalonan, ­Pangasinan

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan sa nasawing driver ng kulay dalandan na Rusi motorcycle at dalawa nitong angkas.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-11:50 ng gabi sa national highway sa bahagi ng Aloragat Bridge, Brgy. Bugayong ay kasalukuyang magkakaangkas ang mga biktima sa nasabing motorsiklo na minamaneho  ng isa sa mga ito.

Masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo na sinakop ang kabilang linya at sa kamalasan ay ay nahagip ito nang paparating na Isuzu forward reefer van truck (RKR-232) na minamaneho ni Glorioso Tobias, 42.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong biktima na walang suot na helmet na kung saan ay nabagok ang ulo at nagulungan ng truck.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga posibleng nakakakilala sa mga biktima na maki­pag-ugnayan sa kanila para kunin na ang labi ng mga ito.

vuukle comment

RUSI MOTORCYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with