^

Police Metro

Budol-budol strikes again, doktora natangayan ng P.7 milyon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanlulumong dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) ang isang 80-an­yos na doktora matapos matangayan ng P700,000 halaga ng alahas at cash, sa loob ng isang kilalang mall sa Arrocerros St., Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

 

Sa reklamong inihain ni Dra. Teresita Castillo, biyuda at residente ng Benitez, Malate, Maynila, tatlong babae at isang lalaki ang mga suspek na nambiktima sa kanya dakong ala1:30 ng hapon kamakalawa.

Namamasyal umano siya loob ng mall sa nasabing lugar nang lapitan siya ng mga suspek at kinaibigan hanggang sa namalayan na lang niya na naibigay na niya sa mga suspek ang diamond earings, gold ring, wristwatch na may diamond, cellphone at ang P100,000. cash.

Nang mahimasmasan ay saka nagpasiyang dumulog sa pulisya. 

BUDOL BUDOL GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with