^

Police Metro

22-anyos dalaga dinukot, ginahasa

Jorge Hallare - Pang-masa
22-anyos dalaga dinukot, ginahasa
Sa salaysay ng biktima, dakong alas-8:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima kasama ang ilang mga menor na pinsan nang tumigil sa kanilang likuran ang tricycle na minamaneho ni Lucenario.
File

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos ang ginahasa ng isa sa tatlong suspek na dumukot sa kanya habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng provincial road, Brgy. Banacud, Magallanes, Sorsogon.

Ang biktima na itinago sa pangalang Maria ay agad nagreklamo sa pulisya laban sa tatlong suspek na agad na nadakip at kinilalang sina Marlan Lasalita Lucenario, 30-anyos, tricycle driver; Ellonel Homo Loreno, 20; at Mark Ian Calvario, 17, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-8:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima kasama ang ilang mga menor na pinsan nang tumigil sa kanilang likuran ang tricycle na minamaneho ni Lucenario.

Bumaba si Loreno at Calvario na armado ng patalim at tinutukan ang biktima saka kinaladkad at puwersang isinakay sa tricycle at dinala sa Bucalbucalan Spring Resorts sa Brgy. Aguada.

Doon siya ginahasa ni Lucenario habang nakahawak naman sa kanyang mga kamay sina  Loreno at Calvario.

Matapos nang ­panggagahasa ay tinakot ang biktima ng mga suspek na papatayin kapag nagsumbong at inihatid pa ang dalaga sa bahay ni Brgy. Kagawad Malou Calvarion kung saan siya pinuntahan at sinundo ng kanyang mga kaanak dakong alas-10:00 ng gabi.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at naaresto ang mga suspek na sinampahan ng kasong pagdukot at panggagahasa.

vuukle comment

GINAHASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with