^

Police Metro

Drug bust: 6 utas

Mer Layson - Pang-masa
Drug bust: 6 utas
Ang 6 na miyembro ng Waray-waray group matapos mapatay nang manlaban sa mga pulis.
Non Alquitran

MANILA, Philippines — Napatay sa ikinasang drug bust ang 6 na lalaki kabilang ang lider ng notorious na “Waray-waray group”, makaraang manlaban sa mga otoridad kahapon ng umaga sa Rodriguez, Rizal.

Ang lider ay nakilala lamang sa alyas Henry habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lima nitong kasama.

Sa ulat ni Rizal Provincial Director P/Senior Supt. Lou Frias Evangelista, bago naganap dakong alas-8:15 ng umaga ang shootout sa Barangay San Isidro ng nasabing bayan ay nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Bureau (PIB) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), tungkol sa illegal na aktibidad ng grupo.

Matapos ang isang buwang surveillance ay kaagad nang nagkasa ng drug buy bust operation ang mga otoridad na nauwi sa shootout matapos manlaban ang mga suspek habang inaaresto.

Nasamsam  ng mga pulis mula sa mga suspek ang anim na pirasong iba’t ibang uri ng mga armas; isang granada; at 70 pakete ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng P100,000.

Bukod sa illegal drug activities ay sangkot umano ang grupo sa gun-for-hire, carnapping, at robbery sa Rizal at mga kalapit na lugar at Metro Manila.

Narekober sa hideout ang mga sketches at mga floor plan ng gusali na imposibleng may tatrabahuin ang grupo.

WARAY-WARAY GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with