5 tinedyer huli sa pot session
MANILA, Philippines — Dinakma ng mga otoridad ang limang tinedyer kabilang ang isang menor matapos mahuli sa akto na sumisinghot ng droga sa Malabon City kahapon ng madaling araw.
Nasa kustodiya na ngayon ng Malabon City Police ang mga suspek na sina Carl Angelo Ramos, 18; Aiken Ferrer, 19; Marlon Pascual, 18; John Jefferson Repizo, 18 at isang ‘di pinangalanang 17-anyos na binatilyo, pawang mga residente ng Chico Road, Brgy. Potrero.
Ayon sa imbestigasyon, alas-12:40 ng madaling araw, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 2 sa kahabaan ng Pineapple Rd, Brgy. Potrero nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport ang hinggil sa isang grupo ng mga teenagers na sumisinghot umano ng droga sa naturang lugar.
Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na sumisinghot ng droga na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito at narekober sa kanila ang iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia.
Sasampahan na ng kaukulang kaso ang apat na suspek habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng DSWD ang menor-de-edad na suspek.
- Latest