^

Police Metro

2 ‘tulak’ dedo sa barilan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos kumasa sa inilatag na drug bust operation sa Sta. Rosa City, Laguna nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na suspek sa mga alyas na ‘Loot’ at ‘Obet’, pawang nasa drug list.

Sa report, sinabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, Spokesperson ng CALABARZON Police dakong alas-11:20 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa Sitio Draman, Purok 6,  Brgy. Malitlit ng lungsod.

Kasalukuyang isinasagawa ang palitan ng droga at buy bust money nang makatunog ang mga suspek na nahulog sila sa bitag ng undercover agent ng pulisya.

Gayunman sa halip na sumuko ay bumunot ng armas ang mga suspek at pinutukan ang mga pulis na agad namang nakaganti dahilan upang mapatay ang mga ito.

Nasamsam sa ope­rasyon ang ilang sachet ng shabu na ibinebenta ng mga suspek.

vuukle comment

BARILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with