Lolo inatake sa puso habang nagda-drive, todas
MANILA, Philippines — Isang 68-anyos na senior citizen ang nasawi nang atakihin umano sa puso at sumalpok ang minamanehong SUV sa isang konkretong signage kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Dead-on-arrival sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Joel Asuncion, residente ng Amagong St, Mutual Homes, Muntinlupa City.
Ayon sa natanggap na report ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-9:38 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Elizalde Ave. at Batac Sevilliano St., Brgy. BF Homes, Parañaque City.
Minamaneho ng biktima ang kanyang kulay pulang Mitsubishi Montero, na may plakang PIE-699 at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay inatake ito sa puso.
Dahilan upang sumalpok ang sasakyan nito sa concrete signage hanggang sa dinala ito ng rescue team sa naturang ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
- Latest