^

Police Metro

Lola, mister patay sa baha

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang 64-anyos na lolang si Gloria Mendoza, ng Capitol Hills, Old Balara, Quezon City matapos na tangayin ng rumaragasang baha habang ito ay naglalakad papauwi sa kanilang tahanan sa Quezon City.

Sa imbestigasyon, ang bangkay ni Mendoza ay natagpuan dakong alas-4:00 ng hapon sa Tierra Pura Homes, Brgy Culiat, Quezon City.

Nabatid na naglalakad ang lola sa malakas na ulan nang rumagasa ang tubig baha at tinangay ito sa creek ng Sapang Kankulangan at nalunod.

Patay din ang biktimang si Dioscoro Camacho, 36, may-asawa nang makuryente at malunod sa mataas na tubig baha habang tinatangkang isalba ang lumubog niyang motorsiklo sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City, kahapon ng alas-5:00 ng umaga.

Sa salaysay ni Ronnie Bernados, kasamahan sa bahay ng biktima, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi nang languyin at tangkaing isalba ang kanilang motorsiklo mula sa malalim na baha hanggang sa ito ay makuryente.

vuukle comment

GLORIA MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with