^

Police Metro

2 obrero nahulog mula 25 palapag

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang construction workers nang mahulog sa kinatutungtungang scaffolding na nasa ika-25 palapag ng ginagawang gusali kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Joel Salazar, 30 at Ricky Toledo, 25, kapwa nakasuot ng kulay berdeng reflectorize vest at maong pants.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa ika-25 palapag ng Housy Warehouse ­construction site na matatagpuan sa 671 ­Madrid St. Binondo, Maynila ay nakita ang dalawang biktima na nagtatali ng nylon cord sa binubuong scaffolding sa nasabing palapag nang aksidenteng mahulog ang mga ito at bumagsak sa ground floor.

Inaalam ng pulisya kung ano ang magiging pananagutan ng may-ari ng gusali nang malaman na walang suot na safety belt ang mga nasawi.

vuukle comment

JOEL SALAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with