3 NPA terrorists napatay
MANILA, Philippines — Napatay sa bakbakan ang tatlong miyembro ng mga teroristang New People’s Army (NPA) matapos na makasagupa ng tropa ng militar sa Brgy. Don Panaca, Magpet, North Cotabato kamakalawa.
Sa ulat ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Spokesman Major Gen. Ronald Villanueva, nangyari ang sagupaan dakong alas-6:45 ng umaga sa pagitan ng Army’s 19th Infantry Commando Battalion at 50 NPA terrorists mula sa Pulang Bagani Command 2 ng Southern Mindanao Regional Committee sa Don Panaca, Magpet ng lalawigan.
Tumagal ng may isang oras na ikinasawi ng tatlong rebelde na pawang inaalam pa ang pagkakakilanlan.
- Latest



















