^

Police Metro

P100K ibinayad sa 3 suspek para patayin si Fr. Nilo

Joy Cantos - Pang-masa
P100K ibinayad sa 3 suspek para patayin si Fr. Nilo
Ayon kina PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Roel Obusan at Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Amador Corpus na halos lutas na ang kasong dahil hawak na nila ang apat na mga salarin na kinilalang sina Omar Mallari, self confessed gunman; Manuel Torres, isang magi-itik na itinurong mastermind sa krimen; mga kasabwat sa pamamaslang na sina Marius Albis at Ronald Garcia.
Catholic Bishops' Conference of the Philippines

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad ang apat na la­laki kabilang ang utak na nagbayad ng P100,000 upang barilin at patayin si Fr. Richmond Nilo bago magmisa noong Hunyo 10 ng gabi ng taong ito sa Zaragosa, Nueva Ecija.

Ayon kina PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Roel Obusan at Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Amador Corpus na halos lutas na ang kasong dahil hawak na nila ang apat na mga salarin na kinilalang sina Omar Mallari, self confessed gunman; Manuel Torres, isang magi-itik na itinurong mastermind sa krimen; mga kasabwat sa pamamaslang na sina Marius Albis at Ronald Garcia.

Si Mallari ay nasakote noong Biyernes (Hunyo 29) sa Arayat, Pam­panga dahilan sa pisikal na ebidensya sa sasakyan na ginamit sa krimen  na nakapa­ngalan dito na nakunan ng CCTV footage sa lugar.

Sumunod na nasakote si Manuel habang sina Albis at Garcia ay sumurender naman sa mga otoridad.

Ikinanta ni Mallari sa mga otoridad na binayaran siya ni Torres ng P100,000 upang patayin si Fr. Nilo at bahala na itong maghanap ng makakasama sa pagsasakatuparan sa krimen.

Si Torres ay tiyuhin ni Christopher Torres, may kasong pangmo-molestiya sa mga sakristan ni Fr. Nilo na siyang lumilitaw na motibo sa krimen.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon, ayon sa opisyal na nagtanim ng galit si Torres kay Fr. Nilo matapos na hindi matuloy ang pagpapari ni Christopher na isang semina­rista dahilan sa pagpupursige ni Fr. Nilo na tumulong sa pagsasampa ng kaso laban dito upang ipagtanggol ang mga namolestiyang tatlo nitong mga sakristan.

Bukod sa pagpatay kay Fr. Nilo ay may na­kabimbin ring warrant of arrest si Mallari sa kasong robbery homicide.

RICHMOND NILO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with