^

Police Metro

P5 -M marijuana nasamsam

Joy Cantos - Pang-masa
P5 -M marijuana nasamsam
Ayon sa opisyal, nagsagawa ng marijuana eradication operation ang mga awtoridad sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga matapos na makatanggap ng tip sa ilan nilang asset hinggil sa malawak na taniman ng marijuana sa lugar.
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P5 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng pinagsanib na mga elemento ng Kalinga Police at Philippine Drug Enforcement Agency –Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa isinagawang marijuana eradication operation sa limang malalawak na taniman nito sa Tinglayan, Kalinga, kamakalawa.

 Sa ulat ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Rolando Nana, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na anti-drug campaign.

 Ayon sa opisyal, nagsagawa ng marijuana eradication operation ang mga awtoridad sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga matapos na makatanggap ng tip sa ilan nilang asset hinggil sa malawak na taniman ng marijuana sa lugar.

Nakumpiska sa tinatayang nasa 2, 550 metriko kuwadrong taniman ang kabuoang 19,450 piraso ng mga dahon ng marijuana, limang kilo ng marijuana stalks, bulto ng mga binhi at buto nito na nagkakahalaga ng P5, 140,000.00.

 Pinangunahan naman ni Nana ang ceremonial burning sa bahagi ng mga nakumpiskang marijuana sa nasabing mga taniman sa lugar.

ROLANDO NANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with