^

Police Metro

2 PCP commanders, 4 pang pulis sibak sa surprise inspection

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa
2 PCP commanders, 4 pang pulis sibak sa surprise inspection
Ang mga bilanggo ng Manila City jail na inilabas ng selda matapos ang isinagawang ‘Oplan Galugad’ kahapon.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Sinibak sa kani-kanilang posisyon ang dalawang commanders ng Police Community Precincts (PCPs) ng Caloocan City Police makaraang abutan ni Northern Police District (NPD) Director, P/Chief Supt. Gregorio Lim na madumi ang mga istasyon at kapwa hindi nakasuot ng uniporme sa kanyang inspeksyon, kamakalawa ng gabi.

 Ipinag-utos ni Lim ang pagtanggal sa puwesto kina Police Community Precinct 7 commander P/Sr. Insp. Rommel Ebarle at P/Sr. Insp. Cesar Binucal ng PCP 1.  Kasalukuyang naghihintay pa ng desisyon kung sino ang ipapalit sa dalawang opisyal.

Ininspeksyon din ni Lim ang PCP 2 ng Caloocan City Police at inabutan sina P/Sr. Insp. Dave Capurcos na katatapos lamang magsagawa ng Oplan Galugad saka isinunod ang pagtungo sa PCP2 ng Malabon City Police.

Samantala , kaya sinibak din sa kani-kanilang puwesto ang apat pang tauhan ng Eastern Police District (EPD) makaraang abandonahin ang kanilang binabantayang puwesto at mahuling gumagamit ng cellphone habang naka-duty sa trabaho.

Iniutos kahapon ni EPD Director P/Chief Supt. Alfred Corpus na i-relieved sa puwesto sina PO1 Dave Vacunawa, PO1 Antonio Mendoza na nagse-cellphone habang naka-duty sa southbound ng Metro Rail Transit (MRT) sa Ortigas, Mandaluyong City at sa southbound ng Parklea, habang sina P01 Aquilino Batoy Jr. II at P01 Arnel Eluterio naman ay nahuli ring gumagamit ng cellphone at inabandona pa ang kanilang pwesto sa southbound ng EDSA Boni (South Bound) dakong 6:36 naman ng gabi.

Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Cresenciano Landicho, force commander ng District Mobile Force Batallion (DMFB) ng EPD, bago ang pagsibak ay nagsagawa ang DMFB Intel Operatives ng covert monitoring sa kanilang mga personnel, na naka-deploy para sa OPLAN Buhos sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa area ng Mandaluyong City.

Muling pinaalalahanan ni Corpus ang kanyang mga tauhan na tiyaking tumatalima sa kanilang tungkulin.

Babala pa niya, hindi nila kukunsintihin ang mga ito at tiyak na papatawan ng kaukulang disciplinary action, kung mahuhuling may paglabag sa anumang direktiba ng Philippine National Police.

GREGORIO LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with